Matagal tagal na din akong single at namimiss ko na din ang may karelasyon. Pero itataya ko yung lovelife ko para sa dalawa kong kaibigan. Maging okay lang sila pareho, mawala lang yung sakit na dala dala nila sa dibdib nila, masaya na ako. haaayy..
Kagabi lang pinagusapan nanaman naming magkakaibigan ang lovelife ko. Tatlong taon na daw kasi akong Single. Ang sabi ko choice ko to. Sabi nung isa, pano naging choice eh wala naman daw nanliligaw sakin?
Sa totoo lang? Talagang choice ko to, though naiinip na din ako. Pero kahit naiinip ako, hindi ko pa din minamadali ang lovelife ko, Kasi sa totoo lang (hindi ako nagmamaganda dito ah), kung ako lang ang taong atat magka lovelife dahil lang naiinip na at hindi na nagiisip, pwedeng pwede. Pero hindi ko yun gagawin. Kasi nga wala pa akong maramdaman. Wala pa yung tamang taong magpaparamdam sa akin nung sinasabi nilang PAGIBIG.
Paano ko daw malalaman kung siya na yung tamang tao. Mararamdaman mo naman yun eh. Hindi ko kailangang pilitin ang sarili kong magka lovelife dahil lang karamihan sa mga kaibgan ko ay may karelasyon at masaya. Bente kwatro na ako. Eto na yung edad na kailangan ko na magseryoso sa buhay. Hindi pwedeng parang Globe lang na go lang ng go! kailangn lahat ng bagay pinagiisipan.
Eto pa yung sabi ng isa kong kaibgan nung isang gabi. Ako daw yung klase ng babae na hindi magugustuhan ng isang lalaki. Hindi ko alam kung dahil sa tomboy siya kaya niya nasabi yun.
Naniniwala pa din akong meron. Kahit nga sa sobrang samang tao may nagkakagusto eh. Bilyon ang tao sa mundo. Panigurado namang may makakasakay din sa ugali at personality na meron ako. panigurado namang may makakatiis din pag minsang tinopak ako. Yun nga ang true love diba? Yung tatanggapin ka kahit ano ka pa.
Hindi ko alam kung hanggang kelan pa ko magaantay pero naniniwala ako sa fate at destiny. Darating din yung tamang tao sa tamang timing ni lord at tamang panahon. Nakakaloka lang na mas marunong pa sila sakin at pinagdidiinang hindi ako masaya kasi matagal na akong single.
Naiinggit ako sa mga taong may bestfriend. Yung pwede mong sabihan ng kahit ano. Yung di ka iju-judge sa mga nagawa mong kaSHITan. Yung babatukan ka pag medyo naliligaw ka na ng daan. Yung alam na alam kung nakikipagbiro ka o seryoso ka. Yung malawak magisip. Yung pwede mo makausap anytime. Yung maglalaan sayo ng panahon para icomfort ka. Yung magaling makinig.
Marami akong kaibigan pero nakakalungkot mang tanggapin wala akong kaibigan na kumportable akong magsabi lahat ng woes, problema, crush, kabullshitan sa buhay at kung anu anong pwedeng ishare.
Buti nalang may pamilya pa din ako na tinuturing kong bestfriend. Di nga lang lahat pwede kong sabihin sa kanila pero at least pag mabigat loob ko, at medyo alangan ako sa mga desisyon ko sa buhay, nandyan sila para intindihin,. suportahan at ipush ako.
Maaaring may kakaiba kang katalinuhan, may mga koneksyon at mga oportunidad na dumarating sayo. Sa huli, kahit meron ka lahat niyan pero wala kang tyaga sa buhay, hinding hindi mo mararating yung success na gusto mong makamit at gusto mong mangyari sa buhay mo.
Sobrang dalang ko lang talagang umakyat ng rooftop at magstay dito ng matagal. Mahangin. Ang aliwalas ng pakiramdam pag nandito ako.
Naaalala ko tuloy pag may mga kaibigan akong pumupunta dito sa bahay. Dito sa rooftop ang hang out namin. Ngayon madalang nalang may pumunta dito sa bahay. Kasi mga busy na din lahat kami. Mahirap maghanap ng oras para magkita kita ng kumpleto. Nung dating estudynte kami, pwedeng pwedeng mag cutting para lang makapag liwaliw kaming magkakaibigan.. Ngayon? hindi na pwede. Nakakalungkot na may mga bagay talaga na hindi na pwedeng ibalik sa dati.
Sa taon taon kong pagpunta ng UP Fair, etong taon lag ako nabwisit. Bukod sa nanakawan ang kapatid ko ng phone at nawalan ako ng pera eh nagitgit pa kami sa slaman. Mahusay.
Akala lang nila wala akong ka date ngayong Valentines! pero meron! meron! meron!
Bukod sa nanay ko na kadate ko sa araw ng mga puso may humabol para ilabas ako. Yung ex boyfriend ko, 11:30pm nagpunta siya sa bahay. Nagstay ng konti para makausap ang nanay ko at mga kapatid ko tapos kumain sa labas. Mahigit tatlong taon na din kaming hiwalay. Pero sa kanya walang nagbago. Ako? wala na talagang maramdaman. Ayokong ganon siya sakin tapos ako wala lang. Siya kasi mas higit na nasasaktan. Siya yung lugi at hindi ako masaya don dahil kahit papaano minahal ko siya at naging parte siya ng buhay ko. Mabait si Lord. Balang araw mawawala din yung nararamdaman niya para sakin at makakahanap ng iba. At sana pag dumating yung araw na yun ready kami pareho.
Kahit friendly date lang yun, may kadate pa din ako sa Valentines :)
Meet Imay at alyca my labs. Sila ang kadate ko bago mag Valentines Day
Paulit ulit. Walang bago. Papasok sa office. Magtatrabaho sa parehong paraan. Nagsasawa na ko. Parang wala ako natututunan sa trabaho ko. Walang nadadagdag sa utak ko na pwedeng pakinabangan sa labas ng trabaho namin.
Ang hirap magtrabaho pag hindi ka na masyadong masaya sa paligid at ginagawa mo. Yung hindi mo magawa yung gusto mo. Yung hindi mo magawa yung kaya mong gawin at nasa utak mo. Naiisip ko nga eh, sayang naman tong laman ng utak ko. Hindi naman sa nagyayabaang ako. Pero marami akong gustong ibahagi sa ibang tao. Yung mga bagay kung san naamn talaga ako marunong.
Pero syempre, choice ko namng mag stay dito. At pinipili ko namng mag stay sa trabahong to kahit buryong buryo at tamad na tamad na ko. Pasalamat pa nga ako kasi may trabaho ako kaya wala akong karapatan magreklamo.

